
(Source: shithappensstaystrong, via cuddlypuff)
Kung pwede ko nga lang sabihin lahat ng nasa isipan ko ngayon sa harap mo, sana sinabi ko na. Kung pwede ko nga lang sanang gawin ang mga matagal ko ng gustong gawin, sana ginawa ko na. Pero eto ako ngayon kinikimkim lang sa dibdib ko ang mga ito. Wala akong lakas ng loob para ipakita o ipamukha sa inyo ang lahat ng ito. Wala akong magawa kung hindi ang manahimik at magmukmok na lang. Wala akong magawa kung hindi manatili na lamang sa ganito.

E kasi andito silang dalaawa ngayon sa bahay. Ang ingay at likot lang nilang dalawa. Wagas sila kung maglaro dito sa loob ng bahay. At kung makikita nyo may hawak silang mga baril. Mga loko loko kasi sila. Yung baril na nasa likod ko, totoo yun. As in hindi yung laruang plastic lang na kagaya nung nasa katabi kong pinsan. Tama bang itutok sa akin yung baril. Tss. Pero nakangiti pa rin ako kahit na nakatutok yung baril sa akin. Hahahaha!

Dahil sinabi ko sa sarili ko na ngingiti ako hangga’t kaya ko pa. Ngingiti ako di lang para sa sarili ko, para na rin sa mga tao na nagmamahal sa akin. Ngingiti ako hindi dahil gusto ko kung hindi dahil iyon ang nararapat.






